Tuesday, August 2, 2011

Pilipino, Ano Ang Winiwika Mo? Isigaw Mo!

Isang paghamon ang aking natanggap mula sa aking mga katoto. Isang hamon kung saan kailangan lumikha ng isang pagsulat na may ibat-ibang paksa. Dito masusubok ang aming mga kakayanan sa pagsulat maging ito ay sariling wika o ito ma'y wikang banyaga. At dahil nalalapit na ang Linggo ng Wika, ninais kong piliin ang pagsulat sa pamamagitan ng sariling atin. Kayat ako ngayon ay handa na sa paghamon at sinisimulan na ang pagsulat sa bawat pitik ang aking teklada. 

Minsan may nagsabi na, dapat ang bawat mamamayang Pilipino ay alam ang kani-kanilang karapatan. Hindi lamang ito mga katagang isunulat at nilimbag sa isang kwadernong nabubulok na sa loob ng isang silid kung saan nakaimbak ang mga napagkasunduang talata ng mga kautusang bayan bagkus isang alituntunin na dapat sundin at ipatupad sa isang bansang mas marami pa ang dukha at di nakapag aral na walang kasanayan sa pagbasa at pagsulat.


Mga mamamayang Pilipino na hindi nakakaintindi sa mga batas ng bukas. Silang may mga panukala at mga iilang tao na sinasamantala ang kamangmangan ng iba, habang ang iba nama'y naliligo sa kasiyahan at karangyaan sa buhay. May mga iilan na sinasabing sila ang nakakaalam ng tamang pamamaraan ng pagpapatupad nito subalit  ito'y isa lamang huwad. Silang maga mapagkunwari na hindi man lamang makatingin ng matuwid sa mga mata ng musmos kung saan nanghihingi ng paliwanag sa bawat katagang kasinungalingan nagmumula sa mga labi ng panginoong may lupa.


Sa aking pananaw, ang bawat isang nilalang sa bansang ito ay may karapatan na ibuka ang kanilang labi at iwari ang kanyang pananaw at sariling opinyon. Sa ganitong paraan makikita ng mga mas nakatataas kung ano ang tunay na estado ng kanilang mga nasasakupan. Tila hibang ang mga may kapangyarihang nilamon ng kanilang bulok at na-aagnas na sistema ang kanilang buhay. Kayat sila ay tila mga tuod ng di kumikilos at walang ginagawa kundi magpasasa sa pinagpaguran ng mga abang Pilipino.


Sa pagdating ng araw, ang sigaw na nagmumula sa isang tinig mula sa ibaba, mula sa malayo at di matanaw na nilalang. Itataguyod nating mga Pilipino ang isang nahuhumiyaw at nagpupumiglas na mga kaluluwa ng kahapon. Kung saan magiging isang bangungot ang mga ito sa kanilang kasalukuyan. Dito natin kailangan ipabatid ang mga nais nating malaman na may karapatan ng ipaglaban ang sariling wikain sa pamamagitan ang isang patas at makataong pagpapatupad ng isang adhikain na hindi pansarili lamang. Siyang nakikipag talastasan na nagnanais na makalamang sa kapwa. 






Ikaw, oo ikaw... hindi mo ba alam kung ano ang pagkakasala mo sa iyong nga kapanalig. Tila isang kang taksil sa samahan at nagnanais na gumawa ng isang pangalan sa larangan na pare-pareho naman tayong dapat makinabang. Isa kang hadlang sa kasiyahan ng nakararami at isa kang balakid sa ika-uunlad ng bayan. 


Ngayon, tumingin ka sa amin at sabihin mo na wala kang alam at kasalanan, ikaw na nagtulak sa mga mas nakatataas upang pansinin ang walang kabuluhang bagay na hindi mo naman ikayayaman. Ikaw! oo, ikaw ang aming huhusgahan nagyon, bukas at kailan pa man.

Larawan Mula Sa: redbubble.com, hanover.edu


----
I joined the blog challenge project of Azrael's Merryland (link to azraelsmerryland.blogspot.com )
for the month of August 2011.

Here are the bloggers who joined the blog challenge project

http://www.glamourmoments.net/
http://tasteofgoodness.blogspot.com/
http://akosiemersonsy.wordpress.com/
http://www.marnelldelosreyes.com/
http://www.jeffreylimbauan.blogspot.com/
http://www.eventlovershideout.com/

------

5 comments:

  1. tumpak ka diyan. kailangan talagang maintindihan ng lahat ang karapatan nila para di sila kinakayankayan ng mga may kapangyarihan. at diyan papasok ang kahalagahan ng midya, ngunit sa kasamaang palad, itoy kontrolado rin ng mga may kapangyarihan :(

    ReplyDelete
  2. Salamat sa iyong pahayag kaibigan. Mainam na maipabatid natin ang tunay na kaganapan nang sa gayon ay hindi ito ikubli at ibaon sa limot ng mga mapagsamantalang tinuran na walang ibang alam kundi magpayaman at magkamal ng salapi ng bayan. Silang walang ibang alam kundi magpasasa habang ang ilan ay lugmok sa kahirapan.

    ReplyDelete
  3. Binibini, dumudugo ang ilong ko - isa itong paraan sa pag ensayo ko ng pagbuka ng aking mga bibig. bow.

    Whew!

    ReplyDelete
  4. sa aking pagsisiyasat sa mga paksang nabanggit sa iyong mga talata, masasabi kong isa ito sa mga pinaka malikhaing panulat na aking nabasa, nasasad dito ang ibat ibang mga paksain na masasalamin at makakahalubilo sa ating pang araw araw na pamumuhay,subalit dapat natin sabihin ang mga bagay na gusto natin isigaw., o di kaya, kung di naman natin kayang isigaw., ito nga ay isulat na lang...

    ReplyDelete
  5. @my_tummy_ache maraming salamat sa iyong pagpuri hindi ko ito inaasahan maaring isa lamang ito sa aking paraan upang ipayag na tuwiran ang mga bagay na minsan ay nakikita ng ng ating mga mata subalit hindi mabigyan ng kabuluhan. Mabuhay ka kaibigan!

    ReplyDelete

Zomato Ranking

view my food journey on zomato!

Contact Us

Name

Email *

Message *

Newsletter